Alisin ang mata ng pusit sa gitna ng galamay sa ulo ng pusit. Hugasan at tanggalin ang plastic sa loob ng katawan ng pusit.
Igisa ang bawang at sibuyas sa katamtamang apoy.
3 butil Bawang, 1 med Sibuyas, 2 tbsp Mantika
Lagyan ng paminta at toyo.
1 pich Paminta - durog, ½ cup Toyo
Ilagay ang suka at pakuluin ng 2-3 min. Huwag haluin habang pinakukuluan ang suka.
2 tbsp Suka
Isama ang pusit, takpan at pakuluan sa mahinang apoy - 20mins. Lagyan ng konting tubig kung gusto ng may sabaw.
½ kg Pusit
Tikman at i-adjust ang alat ayon sa iyong panlasa.
Serve with rice.