Sa katamtamang laki ng kaserola, ilagaly ang asin, bawang,paminta, msg(optional) at dahon ng laurel.
½ tbsp Paminta - buo, 1 tsp Asin, 1 pc Dahon ng Laurel, 1 dash Msg - optional, 3 butil Bawang - crushed
Ilagay ang liempo at buhusan ng tubig hanggang sa lumubog ang liempo.
½ kg Pork Belly o Liempo
Pakuluan sa katamtamang apoy sa loob ng 20 mins.
Hanguin ang liempo at palamigin.
Tusuk-tusukin ang balat ng liempo at budburan ng asin at paminta.
1 tsp Asin, ½ tsp Paminta - durog
Palamigin sa refrigerator sa loob ng 2hrs.
I-deep fry hanggang sa maluto.
Hanguin ang liempo at patiktikin.
Magpakulo ng mantika at ilagay ang liempo sa salaan sa ibabaw ng pinakukuluang mantika.
Salukin ang kumukulong mantika ng kutsaron o tasa at ibuhos sa balat ng liempo hanggang sa bumusa ang balat.
Ihain ng may kasamang sawsawan ng pinaghalu-halong toyo, suka, pinong sibuyas at paminta.