Igisa ang bawang, sibuyas at luya.
2 butil Bawang, 1 med Sibuyas, 1 pc Ginger
Isama ang pork at bagoong at lagyan paminta. Halu-haluin at isangkutsa 3-5 mins.
½ kg Pork, ½ cup Bagoong, 1 pinch Asin at Paminta
Isama ang gata, takpan at pahinain ang apoy. I-simmer sa loob ng 30 mins, haluin manaka-naka.
2 cups Gata
Ilagay ang sili at haluin. Pakuluan sa mahinang apoy ng 2 mins.
4 pcs Siling Haba, 2 pcs Siling Labuyo
Ihain na may kasamang mainit na kanin.