Igisa ang bawang at sibuyas sa katamtamang apoy.
1 ulo Bawang, 1 med Sibuyas
Isama ang dahon ng laurel, paminta at chicken feet at halu-haluin ng 2 mins kasama ang bawang at sibuyas.
2 pcs Dahon ng Laurel, 1 tsp Paminta, 1/2 kg Chicken Feet
Ilagay ang tubig, toyo, oyster sauce at suka. Pakuluin ng 2 mins.
2 cups Tubig, ½ cup Toyo, 2 tbsp Oyster Sauce, 4 tbsp Suka or Vinegar
Pahinaan ang apoy at lagyan ng takip ang lutuan.
Bayaang kumulo sa mahinang apoy hanggang sa maluto. Halu-haluin manaka-naka at magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
Kapag malambot na ang paa ng manok o humihiwalay na ang laman sa buto, palakasan ang apoy hanggang sa kumonti ang sabaw.
Lagyan ng mantika at halu-haluin hanggang sa maiga ng bahagya ang sabaw.
2 tbsp Mantika
Ihain ng mainit.