Go Back

How to cook CHICKEN INASAL:

Prep Time 5 minutes
Cook Time 25 minutes
Total Time 30 minutes
Course Appetizer, Christmas food, Main Course, Pulutan, Snack
Cuisine Asian, Filipino
Servings 6

Ingredients
  

  • 1 kg Whole Manok hatiin sa apat
  • 1 cup Suka
  • 2 tbsp Asin
  • ½ tbsp Paminta - durog
  • 1 pc lemon or 10 kalamansi
  • 4 pc Bawang
  • 1 med Luya pinitpit
  • ¼ cup Brown Sugar
  • 1 tsp Anatto Power or red food color - optional
  • 1 stalk Lemon Grass o tanglad salay

Instructions
 

  • Hugasan ang manok at ibabad sa 1L tubig at 3 tbsp asin sa loob ng at least 1 hr.
    1 kg Whole Manok
  • Pagsama-samahin ang mga sangkap at i-blender ng 2 mins o hanggang sa magiling ng pino ang mga sangkap. Kung walang blender, pwedeng gadgarin ng pino ang luya at bawang at tadtarin ng maliliit ang tanglad. Haluin at pisa-pisain ng kutsara ang mga sangkap para lumabas ang katas.
    1 cup Suka, 2 tbsp Asin, ½ tbsp Paminta, 1 pc lemon, 4 pc Bawang, 1 med Luya, ¼ cup Brown Sugar, 1 stalk Lemon Grass o tanglad
  • Patiktikin ang manok at i-marinate sa binlender na mixture at least 1 hr or ideally overnight sa refrigerator.
  • Iihaw o igrill hanggang sa maluto ang manok. Pahiran ng pinagsamang cooking oil at achuete habang iniihaw o iginigrill.
    1 tsp Anatto Power or red food color - optional
  • Ihain habang mainit na may sawsawang toyo-mansi.