Hiwaan ng patahiris o pa-diagonal ang magkabilang thigh at leg ng manok para madaling ma-absorb ang marinate nito.
1 kg Chicken
Tunawin ang asukal sa sprite/7-up, seasoning at patis.
¼ cup cup sprite or 7-up, 1 cup Brown Sugar, 1 cup Patis, 2 tbsp knorr/maggi seasoning or equivalent
Isama ang bawang at paminta.
6 butil Bawang, ½ tsp Paminta
Isama ang manok at haluing mabuti.
1 kg Chicken
Imarinate sa refrigerator ng at least 2 hrs (ideally overnight).
Ilagay sa kawali ang manok(kasama ang natirang marinate) at lagyan ng 1/4 cup tubig, takpan at pakuluan sa katamtamang apoy.
Kapag malapit na maubos ang sabaw, ilagay ang annatto oil, pahinain ang apoy at alisin ang takip.
1 tbsp anaatto oil
Iprito ng 2 mins sa mahinang apoy ang magkabilang side ng manok o hanggang sa maluto.