Go Back

How to cook CHOP SUEY:

Prep Time 10 minutes
Cook Time 15 minutes
Total Time 25 minutes
Course Appetizer, Side Dish
Cuisine Asian, Chinese, Filipino
Servings 6

Ingredients
  

  • ¼ kg Manok - hiwain ng maliliit
  • 2 butil Bawang - pino
  • 1 med Sibuyas - makapal na hiwa pakudrado
  • ½ cup Cauliflower - hiwain pakudrado 1 inch
  • ½ cup Carrots - hiwain ng manipis
  • ½ cup Baguio Beans/Green Beans - putulin 1 inch
  • ¼ cup Mais na Mura o Young Corn - putuli 1 inch
  • 1 cup Repolyo - hiwain pakudrado
  • 1 pc Bell Pepper - hiwain pakudrado
  • 1 pc Green Bell Pepper
  • 1 tbsp Corn Starch - tunawin sa ¼ cup tubig
  • 1 pc Knorr Cube
  • 2 tbsp Toyo
  • 2 tbsp Oyster Sauce
  • 1 pinch Asin at Paminta - to taste

Instructions
 

  • Itubog sa loob ng 2 mins ng bukod-bukod sa kumukulong tubig ang carrots, young corn, cauliflower, green beans at repolyo at i-tubog sa tubig na may yelo (iced water) at i-set aside.
  • Igisa ang bawang at sibuyas.
  • Isama ang manok at budburan ng kaunting asin at pamintang durog.
  • Ilagay ang young corn at cauliflower at halu-haluin ng 1-2 mins.
  • Isama ang knorr cube, carrots, baguio beans at bell pepper at halu-haluin ng 2 mins.
  • Isama ang repolyo at lagyan ng toyo at oyster sauce. Halu-haluin ng 1 min.
  • Isama ang corn starch na tinunaw sa kalahating basong tubig.
  • Halu-haluin hanggang sa lumapot ang sauce bago hanguin.
  • Tikman at iadjust ang alat ayon sa iyong panlasa.