Magpainit ng mantika ang isangkutsa ang manok 1-2 mins.
¼ kg Chicken
Itabi sa gilid ng lutuan ang manok at igisa ang bawang at sibuyas sa gitna ng lutuan 1-2 mins.
2 butil Bawang, 1 med Sibuyas
Pagsamahing halu-haluin ang manok, bawang at sibuyas at budburan ng paminta at patis.
½ tsp Pamintang Durog, 2 tbsp Patis
Ilagay ang tubig at knorr cube o pinaglagaan ng manok(chicken stock) at pakuluin.
1 L Tubig o pinaglagaan ng manok kung hindi gagamit ng knorr cube
Isama ang macaroni o spaghetti na pinutol-putol at pakuluan ng 3 mins.
½ cup Elbow Macaroni o Spaghetti - putol-putulin ng 1 inch ang haba, 1 pc Chicken Cube - optional
Isama ang patatas at carrots at pakuluan ng 5 mins.
½ cup Patatas - hiwain pakudrado, ½ cup Carrot - hiwain pakudrado
Isama ang celery at repolyo. Pakuluin ng 2 mins. Isama ang gatas, pakuluin at hanguin.
¼ cup Celery - optional -hiwain pakudrado, 1 cup Repolyo, ½ can Evaporated Milk
Ihain habang mainit.