Salain ang dugo at durugin ang namuong dugo sa salaan hanggang sa lumusot sa salaan ang namuong dugo. Lagyan ng 1/4 cup suka at haluin. I-set aside.
2 cups Pork Blood
Maglagay ng mantika sa mainit na lutuan at ilagay ang karne. Lagyan ng patis, paminta at asin, halu-haluin hanggang sa matusta ng bahagya.
2 tbsp Mantika, 0.5 kg Pork Belly o liempo, 2 tbsp Patis, 1 pinch Salt & Pepper
Ilagay ang karne sa gilid ng lutuan at ilagay ang bawang sa gitna ng lutuan, haluin ang bawang hanggang sa matusta ng bahagya at isunod ang sibuyas. Haluin ang sibuyas kasama ang bawang hanggang maging transparent o maluto ang sibuyas. Pagsama-samahin ang karne, sibuyas at bawang at lagyan ng 1/2 cup suka. Bayaang kumulo ng 2 min na hindi hinahalo pra maluto ang acid ng suka.
4 butil Bawang, 1 med Sibuyas, ½ cup Suka/Vinegar
Pahinain ang apoy at lagyan ng tubig.
2 cups Tubig
Ilagay ang dugo at haluin ng bahagya hanggang sa kumulo.
2 cups Pork Blood
Isama ang sili at takpan ang lutuan. Pakuluin ng 2 min sa mahinang apoy.
2 pcs Sili
Tikman at i-adjust ang asim at alat ayon sa iyong panlasa.
Serve hot with rice or puto or hot pandesal.