Pagsama-samahing ang lahat ng sangkap at haluing mabuti. Mag-prito ng isang kutsarang giniling mixture, tikman at i-adjust ang alat ayon sa iyong panlasa.
Gumupit ng approx 1 & 1/4 ruler haba ng foil at lagyan ng 1 cup ng pinaghalo-halong sangkap at ikalat sa foil ng may pareparehong kapal. Mag-iwan ng tig-isang pulgadang puwang sa magkabilang gilid.
Lagyan ng nilagang itlog at sausage pahalang mula sa kaliwa hanggang sa kanang dulo (hiwain/putulin ang sausage at itlog kung kinakailangan o pwede din itong i-overlap para kumasya.
I-rolyo ang foil paikot sa itlog at sausage para maipaloob ang itlog at sausage sa gitna ng giniling mixture.
Hawakan ang isang dulo ng foil na walang laman at bahagyang iikot para masarahan ang dulo at itupi sa gilid ang pinilipit na foil at itaktak ng bahagya sa mesa ang dulo ng foil para masiksik ang laman sa loob ng foil. Gawin din ito sa kabilang dulo.
Ulitin ang pamamarang ito hanggang sa mabalot lahat ng embutido.
Iluto sa steamer sa loob ng isang oras.
Palamigin, balatan ng foil at hiwain ng patahiris bago ihain with ketchup.
Pwede din i-prito ang buong embutido bago hiwain at ihain with ketsup.