Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na lutuan at katamtamang apoy.
3 cloves Bawang, 1 med Sibuyas
Lagyan ng paminta at halu-haluin 1-2 mins sa lutuan.
1 dash Pamintang Durog
Isama ang nilagang monggo, tubig at knorr cube.
1.5 cups Monggo, 3-4 baso Tubig, 1 piece Knorr Cube
Ilagay ang chicharon at pakuluan ng 20 mins sa mahinang apoy.
1 cup Chicharon
Isama ang tabos ng sili, haluin at takpan hanggang sa maluto ang talbos.
1 cup Talbos ng Sili or baby spinach
Tikman at i-adjust ang alat ayon sa iyong panlasa.
Ihain ng mainit na may topping na malutong na chicharon sa ibabaw.