Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na lutuan at katamtamang apoy.
2 cloves Bawang, 1 med Sibuyas
Isama ang dilis at paminta at halu-haluin 1-2 mins sa lutuan.
1 cup Dilis, 1 dash Pamintang Durog
Isama ang nilagang monggo, tubig at knorr cube.
2 cups Monggo, 3-4 cups Tubig, 1 piecce Knorr Cube
Lagyan ng takip at pakuluan ng 10 mins sa mahinang apoy.
Isama ang patis at haluin. Isama ang tabos ng sili, haluin at takpan.
2 tbsp Patis, 1 cup Talbos ng Sili or baby spinach
Tikman at i-adjust ang alat ayon sa iyong panlasa.
Ihain ng mainit.