Ibabad ang pusit sa toyo at lemon/kalamansi - 20 mins
2 pcs Large Pusit, 3 tbsp Toyo, 4 pcs Kalamansi
Pagsama-samahin ang luya, sibuyas, kamatis, oyster sauce at paminta sa isang mangkok at haluin.
3 pcs Kamatis, 2 pcs Sibuyas, 2 pcs thumb sized Luya, 2 tbsp Oyster Sauce, ½ tsp Paminta - durog
Ipalaman ang pinagsama-samang sangkap sa loob ng pusit at ipasok ang ulo ng pusit sa bukana ng katawan ng pusit. Tusukan ng toothpick para hindi maghiwalay ang katawan sa ulo.
Lagyan ng annatto oil habang iniihaw ang pusit sa loob ng 2 mins sa magkabilang side. Lagyan ulit ng annatto oil at ihawin ng 1 min sa magkabilang side.
2 tbsp annatto oil
Ihain bahang mainit.