Tunawin ang 3 tbsp asin sa 1 L tubig at ibabad dito ang manok at least 1 hr (ideally 12hrs).
1 whole Manok, 1 litro Tubig, 3 tbsp Asin
Patiktikin ang manok at lagyan ng asin at paminta ang loob ng manok.
1 tsp Asin, 0.5 tsp Paminta
Isalansan sa loob ng manok ang pangpalaman na mga sankap at itali ang paa pra ma-secure ang laman ng manok.
1 med Sibuyas, 6 pcs Bawang, 1 stalk Lemon Grass/Tanglad o Salay
Ilagay ang stuffed na manok sa plastic at ibuhos ang pang marinate sa loob ng plastic, ilagay sa refrigerator for 6-12hrs.
0.5 cup Toyo, 2 pcs lemon - juice, 5 pcs Bawang, 2 tbsp Brown Sugar, 1 stalk Lemon Grass/Tanglad o Salay, 0.5 tsp Paminta - durog, 2 tbsp Patis
Tuhugin ang manok at iihaw sa rotisserie o paikutin sa ibabaw ng baga hanggang sa maluto.
Pwede din ilagay ang manok sa tray at i-oven sa 180C degees sa loob ng 1 hr & 30 mins o hanggang sa maluto. I-brush sa manok ang natira sa pinag-marinate-tan every 30 mins habang niluluto.