Go Back

How to cook PALITAW:

Prep Time 5 minutes
Cook Time 15 minutes
Total Time 15 minutes
Course Dessert, Snack
Cuisine Filipino
Servings 10
Calories 118 kcal

Ingredients
  

  • 2 cups Galapong [Giniling na Malagkit na nilagyan ng tubig 2:1 ratio or 2 cups malagkit sa 1 cup tubig]
  • 2 cups Fresh Kinudkod na Niyog o Desiccated Coconut
  • 2 L Tubig
  • 1 cup Asukal na Puti
  • 2 tbsp Linga o Sesame Seeds -optional

Instructions
 

  • Bilugin ang 1 kutsarang galapong at pisa-pisain hanggang sa makuha ang nais na hugis.
  • Ihulog sa kumukulong tubig ang mga hinulmang galapong 5-6 piraso bawat hulog.
  • Kapag lumutang na ang palitaw ay pwede na itong hanguin at ilagay sa malamig na tubig sa isang mangkok para hindi magdikit-dikit.
  • Ulitin ang proseso hanggang sa maluto lahat ng palitaw.
  • Paghaluin ang asukal at kinudkod na niyog.
  • Patiktikin ang mga palitaw at pagulungin sa pinagsamang asukal at niyog at isalansan sa dahon ng niyog o sa isang bandehado o serving dish.
  • Lagyan ng tinustang linga sa ibabaw - optional. (Paalaala: Hindi ito lubhang nakakaapekto sa lasa ng palitaw, ito ay nagsisilbing palamuti o garnish lamang.
Keyword palitaw