Igisa ang bawang, sibuyas at luya sa katamtamang apoy.
3 butil Bawang - pino, 1 med Sibuyas - hiwain ng manipis, 1 pc thumb sized Luya - hiwain ng manipis
Isama ang pork at halu-haluin ng 1-2 mins hanggang sa matusta ng bahagya o maging golden brown.
¼ kg Pork - hiwain ng maliliit
Lagyan ng bagoong, knorr cube at tubig at bayaang kumulo ng 1-2 mins.
3 tbsp Bagoong Alamang
Isalansan ang ampalaya, okra, kalabasa, talong at sitaw, budburan ng paminta at takpan.
6 pcs Okra, 1 cup Sitaw o Green Beans, 1 pc Talong - hiwain ng patahiris, 1 pc Ampalaya - hiwain ng patahiris, 1 cup Kalabasa - hiwain ng patahiris
Pakuluan ng 6-8 mins sa mahinang apoy hanggang sa maluto ang mga gulay.
Tikman at i-adjust ang alat ayon sa iyong panlasa bago ihain.