Tunawin ang brown sugar sa patis at toyo.
⅓ cup Patis, 1 tbsp Toyo, ⅓ cup Brown Sugar
Isama ang bawang, paminta at atchuete/annatto o red food color - optional.
4 tbsp Bawang, 1 tsp atchuete/annatto or red food color - optional, ½ tsp Paminta - durog, 1 pinch Salt to taste
Isama ang giniling at haluing mabuti. Tikman at i-adjust ang tamis at alat ayon sa iyong panlasa.
½ kg Pork Giniling
Ipasok ang dulo ng embudo sa sausage casing at ilagay ang pinagsama-samang sangkap sa embudo at itulak papasok sa sausage casing. Iwasang malagyan ng hangin ang sausage casing. Talian ang sausage casing kada-dalawang pulgada.
¼ kg Sausage Casing or Sausage Skin
Ilagay ang longganisa at maglagay ng 1/4 cup na tubig sa kawali, takpan at pakuluin sa katamtamang apoy sa loob ng 15 mins o hanggang sa maging konti na lang ang sabaw ng longganisa sa kawali.
Lagyan ng 2 tbsp mantika kung kinakailangan at iprito ng bahagya sa mahinang apoy.
2 tbsp Cooking Oil
Serve with sinigang at itlog.