Pakuluan ng 20 mins ang ribs sa 5 cups na tubig, sibuyas at pork cube sa may takip na lutuan. Alisin ang namumuong dumi na lumulutang sa pinakukuluang karne.
½ k Pork Ribs, 5 cups Tubig, 1 med Sibuyas, 1 pc Pork Cube
Isama ang labanos, okra at sitaw. Haluin at pakuluan sa katamtamang apoy sa loob ng 4 mins o hanggang sa maluto ang mga gulay.
1 cup Labanos, 1 cup Okra, 1 cup Sitaw o Green Beans
Ilagay ang 1/2 sachet ng Sinigang Mix o pinaglagaan ng kamias/sampalok.
1 sachet Sinigang Mix
Isama ang pechay at pakuluin ng 1 min at haluin.
2 pcs Pechay
Tikman at i-adjust ang asim at alat ayon sa iyong panlasa.
Ihain habang mainit na may sawsawang patis (at ginayat na siling labuyo-kung gustong medyo maanghang).