Pakuluin ang tubig na may kasamang kamatis at sibuyas.
½ L Tubig, 2 pcs Kamatis, 1 med Sibuyas
Isama ang Pork. Pakuluin ng 20 min. Kunin at itapon ang mga namuong dumi sa ibabaw ng pinakukuluang karne.
½ kg Pork
Ihulog ang Knorr pork cube. Pakuluan ng 10 mins.
1 pc Pork Cube
Isama ang labanos, okra at sitaw o green beans. Pakuluan ng 3 mins.
1 cup Okra, 1 cup Labanos, ½ cup Sitaw o Green Beans
Ilagay ang 1/2 sachet Sinigang mix at pakuluan ng 1-2 mins.
½ sachet Sinigang Mix
Isama ang petchay, ilagay ang takip at patayin ang kalan.
2 pcs Petchay
I-serve habang mainit na may kasamang sawsawan na patis at hiniwang siling labuyo.