Igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis.
1 small luya, 2 butil Bawang, 1 med Sibuyas, 2 pcs Kamatis
Isama ang manok at patis, haluhaluin ng mga 2-3 mins.
½ kg Manok, 2 tbsp Patis
Ilagay ang tubig at ilagay ang chicken cube, takpan at pakuluin ng 20 mins.
500 ml Tubig, 1 pc Chicken Cube
Isama ang labanos at takpan, pakuluan ng 3-4 mins.
1 small Labanos
Isama ang sitaw o green beans at pakuluan ng 3 mins.
1 cup Sitaw o Green Beans
I sama ang malunggay, petchay o kangkong, haluhaluin at pakuluan ng 1 mins.
1 cup dahon ng malunggay o pechay o kangkong
Ilagay ang kalahating sachet ng sinigang mix at haluhaluin, pakuluan ng 1 min.
½ sachet Sinigang Mix
Ihain ng may kasamang mainit na kanin at sawsawang patis at hiniwang sili.