Pakuluan ang tubig sa isang lutuan. Ilagay ang sibuyas, kamatis at asin. Pakuluan ng 3 mins.
1 med Sibuyas, 2 pcs Kamatis, 5 baso Tubig, ½ tsp Asin
Isama ang bangus at pakuluan ng 5 mins.
½ kg Bangus
Isama ang labanos, sitaw, okra at talong. Pakuluan ng 6 mins.
1 cup Labanos, 1 cup Sitaw o Greean Beans, 6 pcs Okra, 1 pc Talong
Lagyan ng Sinigang mix at patis. Haluin.
½ sachet Sinigang Mix, 2 tbsp Patis
Isama ang kangkong at pakuluan ng 1 min.
1 bungkos Kangkong
Tikman at i-adjust ang asim at alat ayon sa iyong panlasa.
Ihain ng mainit.