Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika sa katamtamang apoy.
4 butil Bawang, 2 med Sibuyas, 2 tbsp Mantika
Isama ang hiniwang siling haba at ang hiniwang lechon at haluin.
4 pcs Siling Haba, 2 cups Lechon Kawali
Ilagay ang liver paste, liquid seasoning, toyo at calamansi. Haluin.
4 pcs Calamansi or 1/2 Lemon, 2 tbsp Liquid Seasoning, 2 tbsp Toyo, ¼ cup Liver Paté/Spead
Taktakan ng paminta at asin ayon sa iyong panlasa.
1 pinch Asin at paminta - to taste
Isama ang mayonaise at haluin. Tikman at i-adjust ang alat, asim at anghang ayon sa iyong panlasa.
½ cup Mayonaise
Ihain sa mainit na sizzling plate at lagyan ng sariwang itlog sa gitna. Maaari ding maglagay ng extrang calamansi sa gilid at ilang piraso ng siling labuyo pangpalamuti sa sisig.
4 pcs Siling Labuyo, 1 pc itlog - pang-garnish