Lutuin ang ube sa gata sa katamtamang apoy. Halu-haliun pra hindi manilit sa lutuan. Lutuin ng 15 mins o hanggang sa lumambot ang ube.
½ kg Ube o Purple Yam, 2 cups Gata
Gilingin, yadyarin o i-blender ang ube hanggang sa madurog ng pino.
Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at ilagay sa lutuan at lutuin sa mahinang apoy habang hinahalo sa loob ng 20-30 mins hanggang sa lumapot.
1 can Gatas na Malapot o Condensed Milk, 1 can Gatas na Malabnaw o Evaporated Milk, ½ cup cup Sugar
Hanguin sa minantikilyahang bandehado o dish ang ube at patagin ng likod ng kutsara o sandok ang ube. Maaaring gumamit ng mantikilya para hindi manikit ang ube sa likod ng kutsara o sandok.
2 tbsp Mantikilya (margerine) or Butter
Palamigin at gadgaran ng keso sa ibabaw bago ihain.